NAVOTAS, Philippines – Humigit kumulang sa 6,000 katao ang lumikas sa Navotas dahil sa pagbaha sanhi ng pagtaas ng tubig sa karagatan at pagkasira ng isang dike dulot ng bagyong Uwan.
Sabi ng ilang residente na umabot sa hanggang dibdid na tubig baha ang pumasok sa loob ng kanilang bahay sa barangay Bagong Bayan South.
Dakong alas 12:00 ng hating gabi ng tuluyan namang mawalan ng kuryente sa buong siyudad habang patuloy ang pagtaas ng tubig baha sa mga lansangan at kabahayan.
Marami ring motorista ang na-stranded sa lansangan dahil sa mga kalsadang hindi madaanan dulot pa din ng mataas na tubig baha.
Patuloy namang nakaantabay ang rescue team para sa posibleng pang mga rescue operation. Ilang kalakihan din ang naiwan pa sa kani-kanilang tahanan upang magbantay sa kanilang ari-arian. RENE MANAHAN