Home ENTERTAINMENT Dingdong, nag-MRT, sinabihang mukhang stressed!

Dingdong, nag-MRT, sinabihang mukhang stressed!

341
0

Manila, Philippines – Kanya-kanyang dahilan ang mga celebrities for taking the MRT.

Recently, sinubukan ni Dra. Vicky Belo na sumakay ng tren going to Cubao station para umabot sa concert ni Morisette Amon sa The Big Dome.

Sumunod naman si Dingdong Dantes, not because he was such in a hurry.

Bahagi daw ang pagsakay ng TV host-actor sa ginagawa niyang documentary special.

Social experiment daw ‘yon.

As expected, pinagkaguluhan si Dingdong with the commuters taking photos of him which he gamely entertained.

Ang iba nama’y kanya-kanyang post sa kanilang YouTube at TikTok accounts.

Hati naman ang reaksyon ng mga pasahero who had a chance to see him in person.

Although marami ang naguwapuhan at kinilig, ang iba nama’y nagtanong ng: “Why does Dingdong look stressed?”

Understandable naman sa isang artista to look haggard once in a while lalo’t abala ito sa maraming bagay.

Given his daily grind, umasa bang looking fresh si Dingdong 24/7? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here