Home NATIONWIDE Diokno, De Lima, Cendaña naghain ng counter-affidavit sa reklamo ni Mans Carpio

Diokno, De Lima, Cendaña naghain ng counter-affidavit sa reklamo ni Mans Carpio

1
0

MANILA, Philippines – Naghain ng kanilang counter-affidavit sa Quezon City prosecutor’s office sina Akbayan Reps. Chel Diokno and Perci Cendaña, at ML party-list Rep. Leila De Lima nitong Biyernes, Hulyo 3, bilang tugon sa reklamong inihain ng asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Mans Carpio.

Noong Abril ay kinasuhan ni Carpio ang mga mambabatas kasama sina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr., at Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura sa paglalabas ng bank records nito sa pagdinig ng Kamara sa impeachment case laban kay Duterte.

Ito ang ikalawang pagkakataon na naghain ng kanilang counter affidavits ang mga mambabatas matapos na iurong ang preliminary investigation matapos ang addendum ng complainant na inihain noong Mayo 13.

Iginiit ni Diokno na ang pagbusisi sa bank records ay kanilang constitutional duty bilang miyembro ng House Committee on Justice.

“Basta kami, ginawa lang naman namin ang trabaho namin at ang tungkulin namin sa ilalim ng konstitusyon. Alam niyo naman na yung impeachment ay galing mismo sa utos ng ating konstitusyon kung anong gagawin ng House of Representatives. At bilang member ng Committee on Justice, yun lang naman ang ginawa namin.”

Ani De Lima, ang nagpapatuloy na reklamo laban sa kanila ay hindi makakaapekto sa paparating na impeachment trial ni Duterte sa Lunes, Hulyo 6.

“Hindi po iba pong kaso ito. At bakit naman makakaapekto? Ang kinekwestyon dito ay kung may nilabag kaming batas eh hindi naman po totoo yun,” dagdag pa nito.

Si De Lima ang magsisilbing public prosecutor sa Senate impeachment trial.

“Natutuwa po tayo na mukhang wala na talagang hadlang sa pagsimula ng impeachment trial,” sinabi ni De Lima.

Idinagdag naman ni Cendaña na ang kanilang paghahain ng counter-affidavits ay nagpapakita ng kanilang kumpiyansa sa pagharap sa kaso.

“Kapag may kaso, dapat hinaharap at hindi inaabala ang taumbayan.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here