Home ENTERTAINMENT Direk Buboy, hindi ine-expect ang pagkapanalo!

Direk Buboy, hindi ine-expect ang pagkapanalo!

249
0

Manila, Philippines – Sampung nominasyon ang nakuha ng pelikulang Mamay: A Journey to Greatness, sa 73rd FAMAS Awards. At nakuha nga nito ang likang manor awards at dalawang special awards.

Sabi ni DIrek Neil Buboy Tan, “Malaki ang pasasalamat namin sa FAMAS. Malaking bagay na po ‘yung nominasyon. At pagkapanalo.

“Kasi hindi namin talaga akalain na mai-consider yung palikula namin, na pinaghirapan namin. Almost 1 year yata namin itong ginawa.

“At saka si Mayor Mamay talaga, alam namin ‘yug malasakit niya sa pelikulang ito. Talagang hands-on siya.”

Samantala, super happy si Nunungan Vice Mayor Marcos Mamay sa nominasyon at panalo na nakuha ng kanyang biopic. Siya rin ang producer nito.

“Of course, knowing na this is my first movie bilang isang prodiucer, isang napakalaking karangan na napansin agad tayo.

“Sampung nominasyon po ang nakuha natin at pitong panalo, so, maraming-maraming salamat po sa FAMAS,” sabi ni Mamay. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here