MANILA, Philippines – Winelcome ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang hakbang ng Tsina na buksan ang ‘direct flights’ sa pagitan ng Fujian at Cebu.
Para sa Chief Executive, ang bagong ruta ay maaaring makapagpalakas ng pagpapalitan at ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Sa pagsasalita sa isinagawang paglulunsad ng Chinatown Revitalization Phase II sa Maynila, pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Chinese Ambassador Jing Quan para sa pag-anunsyo at pagpapahayag ng kumpiyansa ukol sa epekto nito.
“I thank you very much for the good news that you have brought about the flights going to Cebu,” ayon sa Pangulo.
“And I hope that it will be the beginning of more interactions and people-to-people exchange between China and the Philippines,” aniya pa rin.
Bago pa ang naging pahayag ng Pangulo, inanunsyo ni Ambassador Jing na inaprubahan ng Tsina ang pagbubukas ng ‘direct flights’ na mag-uugnay sa Fujian province at Cebu.
Winika ni Ambassador Jing na ang ruta ay tugon sa naging kahilingan ng mga Cebuano at tourism demand na nag-uugnay sa tinatawag na ‘shared heritage at travel flows.’
“Because 90 percent of Filipino-Chinese—they’re from Fujian—and Chinese tourists can directly come to Cebu visa-free,” ang sinabi ni Ambassador Jing.
“And then today we got the good news. China has decided that we will open direct flights between Fujian and Cebu,” aniya pa rin.
Tinuran pa ni Ambassador Jing na ang first flight ay naka-iskedyul na umalis sa Marso 29, na mayroong dalawang weekly trips na nauna nang pinlano.
“And if there are more tourists coming, then we will increase more,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)