Home NATIONWIDE Direktang transaksyon kina Romualdez, Zaldy Co itinanggi ni Curlee Discaya

Direktang transaksyon kina Romualdez, Zaldy Co itinanggi ni Curlee Discaya

306
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya na mayroon silang direktang transaksyon kina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co.

“Gusto ko pong linawin sa kanila na wala po akong direktang transaction. Hindi po ako nagkaroon ng anumang klaseng transaction sa kanila,” saad ni Discaya sa House infrastructure committee hearing nitong Martes.

“Lahat lang po ng mga sinabi ko po para makumpleto po ang aking sworn statement, kaya nabanggit po ang mga pangalan na yun dahil yun po ang madalas na sinasabi ng mga kausap ko po na politiko,” dagdag niya.

“Binabanggit nila na kailangan ibigay mo na kaagad yung obligasyon kasi pinakukuha na ni Zaldy Co at saka ni speaker. Ganun po lagi ang madalas din yung sinasabi or yung ibang salita para malinis pakinggan, ‘Pinakukuha na ng taas yung ganito,’” saad pa niya.

Samantala, sinabi ni Discaya na nililinaw lamang niya na wala siyang “direct contact” kay Romualdez at Co, ngunit hindi niya tinututulan ang naunang pahayag niya sa Senado na binabanggit ang pangalan ng dalawang kongresista habang nakausap nila ito para sa kontrata para sa mga proyekto sa gobyerno.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, pinangalanan ni Discaya ang ilang kongresista at opisyal ng Department of Public Works and Highways na umano’y nanghingi ng pera sa kanyang mga kumpanya matapos silang manalo ng kontrata para sa mga proyekto ng gobyerno.

Nauna ring sinabi ni Discaya na sinabi ng mga mambabatas na ang pera ay ihahatid kay Romualdez and Co.

Itinanggi naman nina Romualdez at Co noong Lunes ang testimonya ni Discaya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here