BOCAUE, BULACAN — Binalaan ng Bulacan police na ang mga bagong firecrackers na ipinangalan sa mga personalidad at bagyo—tulad ng “Curlee and Sarah Discaya,” “Zaldy Co,” “Senator Imee,” “Tino,” at “Uwan”—ay ilegal at iko-confiscate.
“Whatever they call these firecrackers, they remain illegal. Manufacturers will be arrested, charged, and their products confiscated and destroyed,” ani Col. Angel Garcillano, director ng Bulacan police. Inutusan na rin ang lahat ng police chiefs sa lalawigan na kumpiskahin ang mga ilegal na firecrackers bago ang holiday season.
Iniulat na ipinangalan ng mga pabrika ang mga firecrackers sa mga sangkot sa flood control mess, kabilang ang Discaya couple, Zaldy Co, at Senator Imee Marcos, pati na rin sa mga malalakas na bagyong sumira sa bansa. Marami sa mga ilegal na firecrackers ay lampas sa 0.2-gram chemical limit ng Republic Act No. 7183.
Binanggit ng mga awtoridad ang mga nakaraang insidente, tulad ng pagsabog sa pabrika sa Norzagaray na ikinamatay ng isang manggagawa at isang bata, at binigyang-diin ang mahigpit na pagpapatupad: “We do not let illegal manufacturers slip through. We strictly implement the law,” ani Gov. Daniel Fernando. RNT