Manila, Philippines- Muking nagpatakam sa mga barako ang sexy actress na si Divine Villareal. Ito’y via her latest movie titled ‘Bulong Ng Laman’.
Aminado si Divine na ang pelikula nilang ito ni direk Tootoots Leyesa na available na sa VMX app ay may hatid na kakaibang ligaya sa viewers, lalo na sa mga kalalakihan.
“Bale, ako po yung babae sa tokador na magbibigay ng ligaya na hindi nararanasan sa iba ni Aiko Garcia. To the point po na kapag tumitig ka sa salamin ay ako ay inyong maaalala.”
Bukod sa malulusog niyang boobey, ibang klase ang kaseksihan ng nakapaglalaway na wankata ni Divine, at mahirap ito isnabin ng mga kelot.
Sa kanyang vital statistics na 36-25-36, tiyak na maraming mga kalalakihan ang matatakam sa kanya.
Hanggang saan ang limitations niya sa pagpapasilip ng kanyang hubad na katawan?
“Ako naman po, bilang bahagi ng trabaho ng artista ito, hangga’t kailangan po sa movie ay kaya ko po as long as naka-plaster pa rin yung pinaka-ibabang part ng aking pagkababae, hahaha!” nakatawang wika pa niya.
Anong pelikula niya ang pinaka-sexy sa lahat?
“For me po, lahat naman ng movie na aking nagawa ay napaka-sexy talaga, pero itong bago ninyong aabangan which is yung Bulong ng Laman ay kakaiba po siya.”
Bakit niya nasabing kakaiba ito?
“Sa movie na ito po kasi ay maipapakita ang pagiging wild namin ng aking mga kasama rito. Kakaiba po ang paraan ng pagpapa-sexy ko rito, kaya po dapat itong abangan.”
Pagdating naman sa pagiging pantasya siya ng maraming boys, okay lang daw ito kay Divine.
Esplika niya, “Bilang sexy star po ay nakakataba ng puso kapag may mga lalaking pinagpapantasyahan ako.
“Dahil malamang ay nagagampanan ko po nang maayos ang aking role o eksena sa mga pelikulang napapanood nila ako.” Nonie Nicasio