Home ENTERTAINMENT Diwata, inokray ni Mystica!

Diwata, inokray ni Mystica!

Manila, Philippines- Mystica is back!

For sure, marami pa rin ang nakakaalala sa Split Queen na si Mystica.

It’s been a long while since mawala siya sa sirkulasyon.

Bale ba, ang mga huling narinig o nalaman sa kanya ay tungkol sa mga bagay na malulungkot tulad ng pagkamatay ng kanyang anak na si Stanley.

Namasukan din si Mystica sa isang bakery, at ipinakita ang uri ng kanyang buhay roon.

Of late, active na naman siya sa pamamagitan ng online video.

No, hindi siya nagbabalik sa pagsasayaw na sinasabayan ng kanta.

Mapapanood si Mystica sa kanyang pang-ookray kay Diwata at ang “pares overload” business nito.

It occurs to us na matagal nang nakasubaybay ang singer kay Diwata at sa payak nitong pinagmulan.

Ani Mystica, napakalaki na raw ng ipinagbago ni Diwata mula nang sumikat sa pamamagitan ng paresan nito na tinawag niyang “dugyot.”

Walang dudang sikat na nga si Diwata dahil sa dami ng mga vloggers na dumadayo pa sa kanyang puwesto malapit sa Senate bldg. para kapanayamin siya.

Pero napansin din daw ni Mystica ang kakaibang pakikitungo ni Diwata kumpara sa mga karaniwang kostumer ng kanyang kainan.

Hindi raw kasi ito ganoon kagiliw unlike sa mga vloggers na may dalang regalo sa kanya.

Isang netizen nga na sumang-ayon kay Mystica ang nagkuwento tungkol sa maglola na nagsadya sa paresan.

Dahil excited, nais sana nilang magpakuha ng picture kay Diwata.

Kaso’y inisnab daw sila nito, na ikinalungkot nila.

Pero bumalik daw ang maglola, may bitbit nang regalo at abot-tenga raw ang ngiti ni Diwata.

In short, pakikitunguhan ka lang daw nang maganda ni Diwata kung may mapapala siya sa lyo.

Pinansin din ni Mystica ang pagiging dugyot ng paresan ni Diwata.

Iginiit ni Mystica na kailangang sumunod si Diwata sa mga alituntunin on sanitation and cleanliness lalo pa’t pagkain ang tinitinda nito.

Minsan nang binuweltahan ni Diwata ang mga bashers ng kanyang paresan.

Aniya, hindi naman daw sapilitan ang pagdayo doon para kumain.

Kung sa tingin daw ng iba’y mas angat ang ibang mga paresan ay malaya silang kumain doon: “Kung ayaw n’yo sa paresan ko, huwag n’yo!”

Samantala, nagsimula nang mapanood si Diwata sa Batang Quiapo.

Ang tanong: nagpapapansin lang ba si Mystica para kunin din ni Coco Martin pagkatapos mabigyan ng exposure sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Hindi kaya “inggit much” lang si Mystica? Ronnie Carrasco III