Home ENTERTAINMENT Diwata, wapakels sa isyung lumaki na ang ulo!

Diwata, wapakels sa isyung lumaki na ang ulo!

Manila, Philippines – Deadma umano sa mga isyu ang sikat na social media personality na si Deo Balbuena, na mas kilala ngayon bilang si Diwata, ang may-ari ng sikat na Diwata Pares Overload.

Kaugnay ito ng mga isyu na kesyo lumalaki na raw ang ulo nito, sabi na rin ng ilang media personality at vloggers na nag-i-interview sa kanya.

May kumalat pang isyu na hindi nito hinaharap ang ilang nag-i-interbyu sa kanya kapag walang dalang pasalubong?

May ibang kumakain din daw sa kanyang paresan na nagpapa-picture sa kanya pero nakasimangot siya.

Ipinaliwanag naman ni Diwata na nakakatanggap na ito ng mga invitation gaya ng mga interviews na kailangan din niyag pagbigyan at puntahan.

Bukod pa rito, isinisingit din daw niya ang pagmo-monitor sa kanyang paresan at tsini-check ang mga dapat bilhin, mga kailangan o asikasuhin lalo na angvmga kulang na dapat nitong pagtuunan ng pansin.

Bukod pa ito sa pagkakasali niya sa seryeng Batang Quiapo na MWF ang sched ng kanyang teyping.

“Tapos ang nakakaloka pa dito, yung isang ganu’n mo lang, di ba pag punta ko dun sa teyping, tapos pagdating ko sa tindahan, bumababa ako, sisilip ako, itsi-check ko muna yung dapat i-check, kung ano’ng dapat ayusin.

“Alam mo yung may mga vlogger na doon o di ko alam kung vlogger ba yun, mga basher, na hindi ko lang mapagbigyan…tinatawag ako, ‘Diwata, Diwata!’

“Sabi ko naman, ‘Wait lang, kasi may ginagawa ako, may gagawin ako.'”

At pag di raw niya napagbigyan, sasabihan siyang “suplada”.

“Alam mo, may hindi mo lang magbibigyan, masama ka na, magpa-picture, wait lang.

“Pero may pinagbibigyan naman tayo na magpa-picture.

“Yung ganun, ganun kasi ngayon, nakikita ko sa social media na parang ang sama-sama mo na di mo lang magbibigyan.

“Alam mo yung tanong mo na, ‘Paano mo pa naha-handle?’

“Mahirap din para sa akin, lalo na yung mga tao na hindi mo lang magbibigyan magpa-picture, which is busy ka naman din talaga.

“Sinasabi nila, ‘Masama ka na, ang laki na ng ulo mo, nagbago ka na,’ ang hirap di ba?

“Pero alam mo, kaya pa naman. So, kaunting pasensiya lang talaga.

“Ngayon bina-bash nila ako ngayon, wala akong pakialam, di ba, magpa-picture ka.

“Bakit? Unang-una, di ba sinasabi ko na ito, di naman kita ginawan ng masama, yun lang naman sinabi ko sa yo para namnamin mo, di ba?

“May dahilan naman, may reason kung bakit di muna ako nagpapa-picture. Kasi busy.

“So, I don’t care. Wala akong pakialam,” ayon sa panayam ng Pep.Ph kay Diwata. Ador Saluta