Home HOME BANNER STORY Dizon: ‘Di sapat na makulong lang mga kurakot, bawiin din perang ninakaw...

Dizon: ‘Di sapat na makulong lang mga kurakot, bawiin din perang ninakaw sa bayan

351
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni DPWH Secretary Vince Dizon na hindi sapat na makulong lamang ang mga sangkot sa korapsyon kundi dapat mabawi rin ang lahat ng perang ninakaw mula sa kaban ng bayan.

Sa isinagawang public auction ng Bureau of Customs sa mga luxury vehicles nina Curlee at Sarah Discaya nitong Huwebes, Nobyembre 20, tatlong sasakyan ang naibenta sa pamamagitan ng public bidding.

Kabuuang mahigit P38 milyon ang nalikom mula sa pagbebenta ng mga mamahaling sasakyan ng mag-asawang Discaya na aniya’y simbolo ng pagbabalik sa taumbayan ng pondong nabulsa mula sa flood control projects.

Ayon kay Dizon na simula pa lamang ang paglabas ng mga warrant of arrest laban sa mga umano’y korap na indibidwal, kasama ang patuloy na pagbawi sa mga ninakaw na pondo para tuluyang makamit ang hustisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here