Home NATIONWIDE Dizon nakipagpulong sa mga opisyal sa Bulacan sa pangmatagalang solusyon kontra pagbaha

Dizon nakipagpulong sa mga opisyal sa Bulacan sa pangmatagalang solusyon kontra pagbaha

1
0

MANILA, Philippines – Nakipagpulong si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa mga local chief executive sa Bulacan upang talakayin ang mga interbensyon matapos iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ang ahensya ng pangmatagalang solusyon para tugunan ang pagbaha sa lalawigan.

Ayon sa DPWH, tinalakay sa pulong ang interventions ng ahensya upang maibsan ang matinding pagbaha sa Bulacan, habang pinaghahandaan ang medium at long-term solutions tulad ng pagpapagawa ng detention basins at pagsasaayos ng mga uka sa flood mitigation structures.

Ayon sa ulat, nakasentro ang pagpupulong sa pagpapatupad ng mga lokal na panukala at master plan sa pagtatayo ng detention basins.

Iminungkahi rin ni Dizon na bawat munisipalidad ay dapat maglaan ng lupa para sa imbakan ng tubig.

Iminungkahi rin niya ang pag-dredge ng mga ilog upang mas maraming tubig ang kayang i-hold tuwing malakas ang ulan.

Ang Bulacan ay kabilang sa mga lugar sa bansa na madalas bahain.

Lalong naging kapansin-pansin ang problema kasunod ng katiwalian sa mga flood control project sa lalawigan.

Ang bayan ng Calumpit, halimbawa, ay isa sa mga lugar sa Bulacan na patuloy na nakararanas ng pagbaha tuwing masama ang panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here