Home HOME BANNER STORY Dizon: “Ngayon lang ako nakakita ng ahensyang ganito kagulo”

Dizon: “Ngayon lang ako nakakita ng ahensyang ganito kagulo”

301
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ito ay nakatanggap ng mahigit 100 ulat ng mga pinaghihinalaang maanomalyang mga proyekto sa buong bansa kasunod ng pagsisiyasat sa mga programa sa pagkontrol sa baha.

“Isang linggo pa lang ang nakalipas since napasabak tayo dito. Mahigit isang daan na ang proyektong nire-report sa akin all over the country. Pero kailangan isa-isahin natin ito,” sabi ni DPWH Secretary Vince Dizon.

Sinabi ni Dizon na sa maraming taon niyang pagsisilbi sa gobyerno, ito ang unang pagkakataon niyang makatagpo ng magulong ahensya.

“Sa tagal-tagal ko na sa gobyerno, in and out of the government, ngayon lang ako nakakita ng ahensyang ganito kagulo. Hindi ko maintindihan kung ano ang sistema, ano ang proseso. Talagang napaka-overwhelming,” saad ni Dizon.

“It needs to be systemic change. Hindi ito kaso lang dito, kaso doon, managot dito, magtanggal tayo. Matagalang proseso ito. Hindi ito mabilis, hindi ito overnight. Dekada na itong nag-evolve yung sistema dyan. Pero dahan-dahan, kailangan natin ayusin ang sistema,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here