Home SPORTS Djokovic sumuko sa French Open

Djokovic sumuko sa French Open

PARIS — Nagpatuloy ang nakadidismayang season ni Novak Djokovic ng mapilitang umatras ang defending French Open champion sa Grand Slam kahapon bago ang kanyang quarter-final dahil sa isyu sa tuhod.

Bunsod ng natamong injury,  nagtapos na rin ang layunin ng Serb para sa isang record-extending na 25th Grand Slam trophy at magreresulta sa pagkawala niya sa world number one ranking sa huling bahagi ng buwang ito.

“Dahil sa napunit na medial meniscus sa kanyang kanang tuhod (nadiskubre sa isang MRI scan), si Djokovic, na dapat lalaban kay Casper Ruud sa quarter-finals ngayon, ay napilitang umatras mula sa Roland Garros tournament,” sabi ng mga organizers.

Uusad namana ng  runner-up noong nakaraang taon at ang seventh seed na si Ruud  sa semi-finals, kung saan makakaharap niya ang fourth seed Alexander Zverev o 11th seed Alex de Minaur.

Ang marathon match noong Lunes ay ang ikalawang sunod na sagupaan kung saan dinala si Djokovic sa limang set pagkatapos ng kanyang epikong laban kay Lorenzo Musetti at gumugol siya ng mahigit siyam na oras sa court sa huling dalawang round sa ikalawang major ng taon.

Sinabi ng Serb na siya iniinda na niya ang pinsala sa loob ng ilang linggo at na ang problema ay sumiklab nang siya ay nadulas sa kanyang laban kay Francisco Cerundolo.

Inaasahang ding hindi makalalahok ang manlalaro sa  susunod na buwan na Wimbledon.JC