Home NATIONWIDE DMW: 2 pang OFWs sugatan sa Taiwan quake

DMW: 2 pang OFWs sugatan sa Taiwan quake

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawa pang overseas Filipino workers (OFWs) ang sugtan mula sa malakas na lindol sa Taiwan noong nakaraang linggo, na nagdala sa kabuuan sa 11.

Sinabi ni DMW Officer in Charge Hans Cacdac sa isang post sa social media platform X nitong Martes:

β€œ[Regarding] Taiwan earthquake, two more OFWs are reported injured in the aftermath of the quake. One with left ankle ligament strain and the other with abrasion of the left hand. Both are being provided medical treatment.”

Nauna nang iniulat ng DMW na nagamot na lahat ng OFWs na sugatan at kasalukuyang nagpapagaling.

Bukod sa umiiral na pagsisikap para matulungan ang mga biktima, inihayag ng DMW na nagtalaga ito ng six-member augmentation team upang tugunan ang pangangailangan ng tinatayang 5,000 OFWs sa Hualien County at nakapalibot na counties sa Taiwan.

β€œThe team will provide psycho-social and mental wellness support for overseas Filipino workers who might need assistance,” anang ahensya nitong Lunes.

Niyanig na 7.2-magnitude na lindol ang east coast ng Taiwan nitong April 3. Ayon sa mga opisyal, ito ang pinakamalakas na pagyanig sa isla sa loob ng ilang dekada. RNT/SA