Home NATIONWIDE DMW at DA nagtulungan para sa P20 bigas sa OFWs

DMW at DA nagtulungan para sa P20 bigas sa OFWs

MANILA, Philippines – Nakipagtulungan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Department of Agriculture (DA) para maging available ang P20 bigas sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya.

Sa isang pahayag noong Miyerkules, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ang inisyatiba ay nagtutupad sa pangako ng kampanya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ma-access ang kalidad, abot-kayang bigas ng mga pamilyang Pilipino, habang tinitiyak na ang mga lokal na rice farmers ay makakatanggap ng patas na kompensasyon para sa kanilang produkto.

Sinabi ni Cacdac na ang abot-kayang bigas ay magiging available sa Kadiwa ng Pangulo sa DMW Central Office sa Mandaluyong City.

Hinikayat ni Cacdac ang mga mamimili na maging responsable at sundin ang mga alituntunin sa pamamahagi upang matiyak na ang murang bigas ay makikinabang ang maraming pamilya hangga’t maaari.

Samantala, nakikipagtulungan din ang DMW sa DA upang suportahan ang mga OFW at kanilang pamilya na gustong makipagsapalaran sa agribusiness sa pamamagitan ng national reintegration program.

Kabilang rito ang pagbibigay ng technical assistance at guidance para sa aspiring OFW “agri-preneurs.” (Jocelyn Tabangcura-Domenden)