Home METRO DNA samples ng mga nasisid na labi sa Taal Lake wala pang...

DNA samples ng mga nasisid na labi sa Taal Lake wala pang tugma sa mga pamilya ng missing sabungeros – DOJ

373
0

MANILA, Philippines – Wala pang tumutugma sa DNA samples ng mga pamilya ng nawawalang sabungero sa mga narekober na labi sa Taal Lake ng mga diver ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, hindi na kailangang hintayin ang resulta ng DNA kung mayroon namang sapat na ebidensya para ibasura o isampa sa korte ang mga reklamo.

Tuloy-tuloy naman ang pagsisid ng PCG sa Taal Lake.

Wala ring abiso kung kailan ititigil ang paghahanap sa iba pang nawawalang sabungeros.

Sa datos ng DOJ simula July 10, 2025 hanggang October 12, 2025 umabot na sa 981 na mga labi ang narekober 887 dito ay kumpirmadong buto ng mga tao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here