Home NATIONWIDE DOE, inatasan lahat ng gas stations na makiisa sa fuel discount program

DOE, inatasan lahat ng gas stations na makiisa sa fuel discount program

110
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of Energy (DOE) ang lahat ng lehitimong gas stations na magpartisipa sa fuel discount program.

Sa ngayon kasi ay 33 mula sa 52 gas stations ang inisyal na sumama dahil sa nakabinbing rehistrasyon sa LandBank app.

Sa press briefing sa Malakanyang, kumpiyansang ipinahayag ni DOE Secretary Sharon Garin na tiniyak ng mga tauhan ng LandBank na magagawang makompleto ng mga ito rehistrasyon ng lahat ng 52 gas stations sa Metro Manila, ang government program ay nag-aalok ng P10-per-liter discount para sa public utility vehicles na iro-roll out sa buongbansa.

“I have issued a directive this (Tuesday) morning na lahat na legitimate gas stations have to participate. So, halos lahat naman. Why is it only 33 out of 52? Kasi hindi pa tapos ‘yung pag-register nila sa LandBank app. So, ngayon, 33 ang na-confirm (registered). Actually, ang mga taga-LandBank ngayon ay iniisa-isa nila ‘yung gas stations,” ayon kay Garin.

Idinagdag pa ni Garin na ang government program ay nag-aalok ng P10 per liter discount para sa PUV na ikakasa muna sa NCR, sa kalaunan ay ipatutupad sa buong bansa bilang tugon sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para pagaanin ang epekto ng mataas na presyo ng langis.

“Try natin ano mga problema sa NCR, and if everything goes okay, then we can scale that to nationwide na siya,” ani Garin.

Sa kabilang dako, nangako naman si Landbank President and CEO Lynette Ortiz na kompletuhin ang rehistrasyon ng lahat ng 52 gasoline stations sa Metro Manila, araw ng Martes.

“We assure the public that the 52 will be onboarded today. So we’re all hands on deck just to make sure that the 52 gas stations will be opening land bank accounts,” ang sinabi ni Ortiz.

“And as I mentioned, this is really through our mobile banking app. So everything becomes very easy and convenient for both the gas station and we hope, for both the gas station and we hope for the PUV drivers as well,” aniya pa rin.

Habang kinikilala naman na ang lahat ng PUV drivers ay tech-savvy, sinabi ni Garin na ang mekanismo ay basic. Ang PUV drivers aniya ay dapat na dalhain ang kanilang registered vehicles kapag nag-avail ng fuel discount, dahil ang beripikasyon ay base sa plate number ng sasakyan.

“Punta ka. Kailangan dala ko ang jeep ko kung ako yung PUV driver. Hindi puwede na ibang kotse ang dala ko. Kasi ‘yung plate number…ang titingnan ng attendant. ‘Yung attendant, mayroon ng app siya. So, siya lang ang kailangang may app. So, input niya ‘yung station code, (vehicle) plate number,” ani Garin.

“Yun lang, pag nag-match ‘yan, sasabihin, may 100 liters pa siyang puwede magkaroon ng P10 discount. So, kaya kailangan lang connected para wala nang mano-mano, wala ng coupon-coupon,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here