Home NATIONWIDE DOE: Pag-aaral sa pagbuhay ng Bataan nuclear plant popondohan ng Korea

DOE: Pag-aaral sa pagbuhay ng Bataan nuclear plant popondohan ng Korea

142
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Energy (DoE) na popondohan ng South Korea ang feasibility study kung saan makikita kung maaaring buhayin muli ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Sa isang kalatas, sinabi ng DOE na ang pag-aaral ay mayroong dalawang phases: ang una ay susuri sa kasalukuyang kondisyon ng BNPP at bahagi nito habang ang pangalawang phase ay magsasabi kung ang planta ay maaari pang ayusin at baguhin.

Kung makikita kaagad sa first phase na hindi advisable na magpatuloy pa sa susunod na phase, maaaring magrekumenda ang Korea Hydro and Nuclear Power Co. (KHNP) ng alternatibo, kabilang na ang konstruksyon ng conventional plant o development ng maliit na modular reactor.

“These alternatives will be presented as viable paths forward, offering flexibility in advancing the country’s nuclear energy agenda, based on the results of the initial phase,” ayon sa DOE.

Ang pag-aaral ay magsisimula sa January 2025. Natintahan na ang memorandum of understanding (MoU) sa Palasyo ng Malakanyang sa pagitan ng DOE at KHNP para sa feasibility study sa harap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at South Korean President Yoon Suk Yeol.

Ilang saglit pa pagkatapos ng 2022 elections, sinabi ni Pangulong Marcos na tinitingnan niya na buhayin ang ‘mothballed nuclear power plant’ na itinayo sa huling bahagi ng diktadurang panunungkulan ng kanyang namayapang ama.

Samantala, sinabi ng DOE na nais ng Pilipinas na isama ang nuclear energy sa energy mix nito. Layon ng Pilipinas na magkaroon ng nuclear power plants na mapapatakbo sa 2032, na may initial capacity na 1,200 MW. Sa kalaunan ay lalawak ito sa 2,400 MW sa 2035, at aabot sa 4,800 MW sa 2050. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here