Home NATIONWIDE DOE pinagpapaliwanag sa delay sa pagpasa ng bagong energy roadmap

DOE pinagpapaliwanag sa delay sa pagpasa ng bagong energy roadmap

MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) kung bakit naantala ang pagpasa nito ng bagong energy roadmap sa Kongreso.

Kasabay nito ay hinimok niya ang ahensya na bilisan na ang aksyon kaugnay nito.

Sa ilalim ng Philippine Energy Plan (PEP), na extended hanggang 2050, ay layong pataasin ang paggamit ng renewable energy at magkaroon ng energy mix patungo sa clean energy scenario.

“The Philippine Energy Plan will be the foundation for achieving cleaner energy, promoting economic growth, and enhancing the well-being of our people,” saad sa pahayag ni Gatchalian.

Anang senador, dapat ay ipinasa na ng DOE ang updated energy roadmap sa Kongreso noong Setyembre 15 ng bawat taon ayon sa mandato ng Republic Act 9136, o kilala bilang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

“The submission of the PEP is already more than three months overdue. The DOE needs to comply with this requirement immediately,” ani Gatchalian.

Ang kasalukuyang renewable energy goals ng Pilipinas ay nasa 35% pagsapit ng 2030 at 50% sa 2040.

“Hindi katanggap-tanggap na naantala na nang husto ang pinakahuling Energy Plan na napakaimportanteng dokumento para maisulong nang husto ang sapat at malinis na suplay ng enerhiya sa bansa,” dagdag pa niya.

Ayon sa DOE, ang PEP ay isang comprehensive roadmap para sa energy sector, pagsisiguro ng sustainable, stable, secure, sufficient, accessible, at reasonably-priced energy. RNT/JGC