Home NATIONWIDE DOE target tapusin sa Sept. 15 pagsasaayos sa Cebu, Panay power plants

DOE target tapusin sa Sept. 15 pagsasaayos sa Cebu, Panay power plants

1
0

MANILA, Philippines – Target ng Department of Energy (DOE) na matapos pagsapit ng Setyembre 15 ang extended repair at maintenance ng ilang power plants sa Cebu at Panay upang maibsan ang kakulangan sa suplay ng kuryente sa Visayas.

Ayon kay Energy Undersecretary Mario Marasigan, nakaranas ng problema nitong weekend ang isang 169-megawatt power plant sa Cebu na nag-ambag sa humigit-kumulang 500-MW power shortage sa rehiyon.

Dahil dito, kinailangang magpatupad ng manual load dropping sa ilang lugar.

Nilinaw naman ni Marasigan na hiwalay ang problema sa isang 150-MW plant sa Panay, na posibleng hindi pa tuluyang maibalik sa normal na operasyon hanggang unang linggo ng Oktubre.

Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na makatutulong ang mga battery energy storage system upang suportahan ang grid sakaling magpatuloy ang red at yellow alerts.

Patuloy na minomonitor ng DOE ang sitwasyon sa Visayas grid habang inaayos ang mga apektadong generating units. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here