MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 158 specialty centers ang naitatag sa buong bansa upang matiyak ang accessible at abot-kayang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat, sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Martes.
Sinabi ni DOH Secretary Teodoro Herbosa pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) na ang mga specialty center ay inuuna ang pangangalaga sa cancer, cardiovascular care, lung care, renal care, brain and spine care, trauma care, burn care at kidney transplant.
Sa ilalim ng Republic Act11959 o ang Regional Specialty Centers Act, ang mga specialty center na ito ay dapat ding unahin ang orthopedic care, physical rehabilitation medicine, infectious disease at tropical medicine, toxicology, mental health, geriatric care, neonatal care, dermatology, eye care, at ear, nose and throat care.
Sa rekord ng Philippine Statistics Authority records mula Enero hanggang Setyembre 2023, ipinakita na nanatiling pangalawang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa , kasunod ng heart disease at maraming Filipino ang namamatay sa lung cancer, breast cancer, cervical cancer at colorectal cancer.
Upang matulungan ang mga Pilipinong lumalaban sa cancer, sinimulan ng pambansang pamahalaan ang pagtatayo ng Philippine Cancer Center.
Binigyang-diin niya na ang UP-PGH Cancer Center ang magiging training ground para sa mga oncologist, na magbibigay sa Philippine Cancer Center ng mga cancer specialist at cancer surgeon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)