Home NATIONWIDE DOH handa ngayong tag-init

DOH handa ngayong tag-init

124
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Health (DOH) na handa ang mga emergency department ng kanilang mga ospital na tumugon sa mga pasyenteng nakakaranas ng sakit na may kaugnayan sa init, lalo na sa inaasahang pagtaas ng kaso ngayong tag-init.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, karamihan sa mga sakit na dulot ng init ay hindi nangangailangan ng ospital maliban sa mga seryosong kaso tulad ng heat stroke at heat exhaustion.

Payo ng DOH kailangan lamang ma-cool down, uminom ng tubig o punasan para makarekober pero ang Heat stroke aniya kapag hinintay ay kailangan dalhin sa opsital.

Dagdag niya, handa ang mga emergency department para sa ganitong klase ng kondisyon.

Pinayuhan din niya ang publiko na manatiling hydrated at iwasan ang labis na pagkakalantad sa araw, lalo na ang mga bata at matatanda.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang heat stress ang pangunahing sanhi ng mga pagkamatay na may kaugnayan sa panahon.

Maaari rin itong magpalala ng mga umiiral na sakit tulad ng cardiovascular disease, diabetes, mental health issues, at hika. Dagdag pa nito, ang heatstroke ay isang “medical emergency na may mataas na fatality rate.”

Batay sa mga pag-aaral mula 2000–2019, humigit-kumulang 489,000 heat-related deaths ang nagaganap bawat taon, kung saan 45% nito ay sa Asya at 36% sa Europa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here