Home NATIONWIDE DOH: Higit 1,100 road crash incidents naitala mula Dis. 21-Enero 2

DOH: Higit 1,100 road crash incidents naitala mula Dis. 21-Enero 2

276
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) na umaabot sa 1,113 ang bilang ng road crash incidents na naitala mula Disyembre 21, 2025 hanggang Enero 2, 2026.

Sa mga naitalang kaso ng road crash injuries na sangkot ang mga nagmomotorsiklo, sinabi ng DOH na nasa 71% ito, o 787 ang bilang.

Base pa sa datos ng DOH, 965 sa mga nasangkot sa aksidente ang hindi gumamit ng safety accessories tulad ng helmet at seatbelt.

Ayon pa sa DOH, sa naturang bilang ng mga road crash incidents, 135 sa mga naaksidente ay pawang mga nakainom ng alak.

Sa magkakahiwalay na insidente, lima ang patay sakay ng motorsiklo habang dalawa ang pedestrian, na umaabot sa 82% na mas mataas kumpara noong 2024. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here