Home NATIONWIDE DOH: Mga Pinoy kailangang matuto ng CPR

DOH: Mga Pinoy kailangang matuto ng CPR

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules sa mga Filipino na matuto ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) para maging first responder sa oras ng emergency kung saan mahalaga ang bawat segundo.

Sa isang media forum kasabay ng National CPR Day, sinabi ni DOH spokesperson Albert Domingo na ang CPR ay nagtulay sa pagitan ng buhay at pagkawala nito sa panahon ng cardiac arrest dahil ang administrasyon nito ay nagiging sanhi ng muling pagtibok ng puso.

Ayon kay Domingo sa mga high-income na bansa, ang kanilang CPR training rate ay Hanggang 50 percent , mababa pa rin kung iisipin pero sa ibang bansa kasama ang Pilipinas, mas mababa ito — dalawa lang sa 10 tao o 23 percent.

Apektado aniya ang cerebral perfusion o ang paghahatid ng dugo sa utak kapag huminto sa pagtibok ang puso na nagdudulot ng pinsala sa utak.

Sinabi ni Philippine Red Cross (PRC) Secretary General Gwendolyn Pang na nasa 70,000 sa 119 milyong Pilipino ang dumaranas ng cardiac arrest at 1 porsiyento lamang ang nabibigyan ng CPR.

“In 2014, Samboy Lim, a basketball player, while stretching, he collapsed. When he collapsed, no one, unfortunately was there, who was able to provide CPR to him,” sabi ng red cross secretary.

Nadala pa sa ospital si Lim makalipas ang 23 minuto , at maswerteng nabuhay ngunit siya ay na-comatose ng ilang taon.

Sinabi ni Pang na maaring napaikli ang comatose period ni Lim kung nabigyan siya ng CPR limang minuto pagtapos niyang mag-cokkapse.

Sinabi ni Philippine Heart Association president Rodney Jimenez na suportado nila ang DOH at PRC sa pagsulong ng life-saving skills at CPR training.

Sinabi niya na ang PHA ay mayroong CPR ready advocacy nito mula noong 2015 at CPR Wings and Wheels kung saan ang mga kamay lamang ng CPR at automated external defibrillator (AED) skills ang itinuturo.

“We are trying to institutionalize BLS (basic life support) training with AED amongst the first responders, the police, the teachers, the barangay health workers. Also, with the help of our partners, we’re trying to lobby the AED Law, now we’re able to speak with Congressman Richard Gomez, Senator Bong Go, Senator Lito Lapid, Nancy Binay and Congressman Ciriaco Gado Jr.,” sabi ni Jimenez.

Sa pagbamggit na ang maagang CPR ay tumaas ang survival rate mula 31 porsiyento hanggang 62 porsiyento sa mga out-of-the-hospital setting cardiac arrest cases sa Southeast Asia, sinabi ng regional faculty ng American Heart Association na si Vicente de Lima Jr. na bawat Filipino ay maaring matuto tungkol sa COR sa pamamagitan ng establishment training kiosks sa estratehikong lugar tulad ng mga paaralan at mga yunit ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni DOmingo na ang DOH ay nag-aalok ng basic life support didactic e-course na maaring ma-accees ng sinuman na may internet connection.

Noong Marso 27, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Hulyo 17 ng buwat taon bilang National CPR Day sa ilalim ng Proclamation 511 upang isulong ang national health awareness sa bawat Filipino. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)