Home NATIONWIDE DOH muling nilinaw na wala pang gamot sa Dengue

DOH muling nilinaw na wala pang gamot sa Dengue

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) ang kumakalat sa social media kaugnay sa lunas para sa sakit na dengue.

Sa abiso ng DOH, iginiit na wala pang gamot laban sa dengue.

Ang paglilinaw ng DOH ay matapos kumalat sa social media sa umano’y gamot tulad ng mga halaman na tawa-tawa, dahon ng sili, balat ng lansones at dahon ng papaya.

Sabi ng ahensya, ang pinakamabisa pa ring gamot ay ang pag-iwas sa naturang sakit tulad ng paglilinis ng kapaligiran, pagsusuot ng mahabang manggas ng damit at paggamit ng insect repellant.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na agad dalhin sa pinakamalapit na ospital at huwag nang hintayin lumala pa sakaling makaramdam ng sintomas ng dengue.

Hinikayat din ang publiko na ugaliing makiisa sa kampanya ng DOH na alas kwatro para patay ang mosquito. Jocelyn Tabangcura-Domenden