Home NATIONWIDE DOH, nagpaalala ng health, safety tips ngayong Semana Santa

DOH, nagpaalala ng health, safety tips ngayong Semana Santa

208
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) ngayong Holy Week na iwasan ang anumang sakit o sakuna na pwedeng mangyari.

Paalala pa ng ahensya sa publiko, tiyaking ligtas at malusog ang panggunita ng Semana Santa.

Pinayuhan din ng DOH ang mga biyahero na maghanda ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng tubig, gamot, snacks at payong lalo na sa mga magtutungo sa Visita Iglesia.

Dapat ding magdala ng extramg damit, pamaypay o portable fan, insect repellant, alcohol at facemask.

Kapag kailangan naman ng tulong, ay agad na tumawag sa National Emergency Hotline 911.

Ang Semana Santa ay taunang ginugunita ng mga Katoliko kung saan may mga mahahalagang aktibidad na kadalasan ay dinarayo hindi lamang ng mga lokal kundi internasyunal na turista. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here