MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) kaugnay sa aktibong phreatic activity sa Bulkang Taal.
Kasabay nito, pinag-iingat ang publiko ng DOH at DOST-PHIVOLCS kaugnay sa mga galaw ng Bulkang Taal sa mga nakalipas na araw.
Naging maulap ang kalangitan sa taas ng bulkan dahil sa singaw na usok nito habang napanatili nito ang Alert Level 1 status.
Ayon sa DOH, ang mahina ngunit aktibong phreatic activity ay sanhi ng patuloy na paglabas ng mainit na volcanic gas mula sa pangunahing bunganga ng bulkan.







