MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga bumibiyahe ngayong long weekened para sa Undas 2025 na obserbahan ang road courtesy at manatiling kalmado upang maiwasan ang mga insidente ng road rage na maaaring magresulta sa pisikal na pinsala.
Inilabas ni Health secretary Ted Herbosa ang paalala nang inspeskyunin ang emergency tent sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) bilang bahagi ng paghahanda ng DOH para sa pagdagsa ng mga bumibyahe sa UNdas exodus.
Nagpaalala rin si Herbosa sa mga byahero na magdala ng gamot pero iwan ang init ng ulo sa bahay upang makaiwas sa anumang gulo o away sa kalsada.
Sinabi ni Herbosa na ang mga nagtamo ng road traffic injuries ay makakakuha ng zero-balance billing ng gobyerno.
Pinaalalahanan din ng kalihim ng kalusugan ang mga may karamdaman lalo na ang mga may hypertension at diabetes na huwag kalimutan ang kanilang maintenance medicines bago umalis ng kanilang mga tahanan.
Itinaas ng DOH ang code habang nakalerto sa kanilan g cnetral office at centers for health development ngayong Undas. Jocelyn Tabangcura-Domenden