Home HOME BANNER STORY DOH: Naputukan umakyat sa 609 biktima

DOH: Naputukan umakyat sa 609 biktima

MANILA, Philippines – Natapos na ang monitoring survellaince ng Department of Health (DOH) kaugnay sa fireworks-related I huried na nagdala sa higit 600 mga kaso ngunit patuloy pang biniberipika anh mga ulat na mga biktima ng ligaw na bala o stray bullet.

Ang 609 mga kaso ang pinakamataas mula noong nakapagtala ang bansa ng 633 kaso noong sinalubong nito ang 2017, ayon sa datos ng DOH.

Ayon sa DOH, nakapagtala pa ng siyam na bagong kaso dahil sa paputok isang linggo pagkatapos ng pagdiriwang ng Bagong Taon nitong Biyernes mula alas 6 ng umaga hanggang alas 5:59 ng umaga ng Sabado,Enero 6. Pito sa mga ito ay dahil sa legal fireworks.

“There are still reported cases of stray bullet injuries being validated, hence the number may change in next few days,” sabi ng DOH

“Our monitoring for tetanus cases shall continue until Jan. 25, as the maximum incubation period is 21 days, with an average of 14 days,” dagdag pa ng Kagawaran.

“Amongst FWRIs, the latest injury occurred on Jan 4.”dagdag pa.

Dalawa naman ang iniulat na namatay sa pagsalubong ng Bagong Taon mula sa 609 naitalang injuries na kinailangan ng isang also ng watusi ingestion at pitong stray bullet injuries.

Ayon sa datos ng DOH, mayroong 307 kaso noong 2023 at 189 noong 2022. Bukod dito, umabot sa mahigit isang libong kaso ang mga pinsala sa pagdiriwang ng Bagong Taon para sa 2012 at 2014.

May pinakamaraming naitala ng FWRI ay sa National Capital Region na may 320 kaso o 52%.

“As to types of injuries, 33 (5%) had blasts/burns with amputation; 447 (74%) had blasts/burns without amputation; 155 (26%) had eye injuries with 1 confirmed blindness; and 2 had hearing loss,” saad ng DOH .

Ang Kwitis, 5-star, pla-pla, luces, whistle bomb, at boga ang nanguna sa listahan ng mga paputok na nagdulot ng pinsala, sabi ng ahensya.

Ayon sa DOH, 96% ng sugatan ay nangyari sa bahay at sa lansangan karamihan ay mga lalaki na may aktibong pagkakasangkot.

Mahigit kalahati ng mga kaso ay mula sa Metro Manila, habang apat sa 10 kaso ay dulot ng ilegal na paputok.

“The DOH is continuously validating with the PNP to arrive at the confirmed counts. Our monitoring for tetanus cases shall continue until Jan 25, as the maximum incubation period is 21 days, with an average of 14 days. Amongst FWRIs, the latest injury occurred on Jan 4,” saad ng DOH .(Jocelyn Tabangcura-Domenden)