Home TOP STORIES DOH official, pinaiimbestigahan sa Ombudsman sa sinasabing conflict of interest

DOH official, pinaiimbestigahan sa Ombudsman sa sinasabing conflict of interest

47
0

MANILA, Philippines — Isang administrative at criminal complaint ang inihain sa Office of the Ombudsman laban sa isang Department of Health (DOH) Health Facilities Enhancement Program (HFEP) Director  kaugnay ng mga alegasyon ng umano’y conflict of interest at posibleng paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Batay sa kopya ng reklamong natanggap ng Ombudsman, isang grupong nagpapakilalang “Concerned DOH Employees / Crusaders Against Corruption and Government Graft” ang humiling na imbestigahan ang umano’y pagsama ng asawa ni DOH III Dr. Phoebe S. Tajanlangit sa ilang official HFEP activities.

Ayon sa reklamo, iniuugnay ang asawa ng opisyal sa isang construction company at umano’y nakasama ito sa ilang official travel, site inspection at stakeholder meetings ng HFEP.

Dahil dito, nais ng mga complainant na beripikahin kung nagkaroon umano ng access ang pribadong indibidwal sa non-public information o iba pang dokumentong may kaugnayan sa mga proyekto ng ahensya.

Iniuugnay ng mga complainant ang kanilang mga alegasyon sa Sections 3(e), 3(g) at 3(h) ng RA 3019. Gayunman, ang paghahain ng reklamo ay hindi nangangahulugang napatunayan na ang mga naturang paglabag.

Hiniling din nila sa Ombudsman na repasuhin ang DOH travel orders, attendance sheets, photo at vehicle logs, at magsagawa ng pagsusuri sa SALN at iba pang financial records kung may legal na batayan.

Humiling din ang mga complainant ng preventive suspension kay Tajanlangit habang sinusuri ang mga alegasyon.

Wala pang inilalabas na finding ang Ombudsman na nagpapatunay sa mga alegasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here