Home NATIONWIDE DOH sa mga doktor: Pagtanggap ng regalo sa drug firms kapalit ng...

DOH sa mga doktor: Pagtanggap ng regalo sa drug firms kapalit ng pabor, ‘unethical’

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ang mga health professional at personnel sa bansa na ang pagtanggap ng mga regalo mula sa mga pharmaceutical companies kapalit ng pabor ay “unethical.”

“The Department of Health strictly reminds all health professionals and personnel that accepting gifts, grants, or any emoluments from biopharmaceutical companies or members of the industry in exchange of any act benefitting such company or member of the industry is unethical,” sabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa isang pahayag.

Ayon sa kalihim, na ang mga medical professional ay inaasahan na itaguyod ang mga propesyonal at etikal na pamantayan.

“Ang mga panggigipit sa lipunan, mga kita sa pananalapi, at mga pangangailangang pang-administratibo ay hindi dapat ikompromiso ang mga karapatan ng pasyente sa mga de-kalidad na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan”, saad ni Herbosa.

Ginawa ni Herbosa ang pahayag sa gitna ng kamakailang ulat ng drug firms na umanoy nagbibigay ng pribilehiyo sa medical professionals at gumagamit ng multi-level marketing schemes upang akitin silang mag-advertise at magreseta ng mga produktong medikal.

Sa pagdinig ng Senado nitong unang bahagi ng buwan, sinabi ni Senator Raffy Tulfo na mas gusto ng ilang doktor na magreseta ng branded na gamot kaysa generic dahil umano sa mga biyaheng itinataguyod ng mga pharmaceutical firms.

Ipinaliwanag ni Herbosa na habang mayroong umiiral na executive order sa paggamit ng mga generic na gamot sa mga pampublikong ospital, may mga kaso na ang mga generic na gamot ay “hindi clinically effective.”

Bagama’t inamin niyang may mga “junket” noon, sinabi niya na ang Pilipinas ay naging signatory sa Mexico City Principles na nagbibigay ng mga boluntaryong code ng business ethics sa biopharmaceutical sector. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)