Home LIFESTYLE HEALTH DOH: Sapilitang pagsusuot ng face mask ‘di kailangan sa kabila ng flu...

DOH: Sapilitang pagsusuot ng face mask ‘di kailangan sa kabila ng flu season

406
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Martes na hindi pa rin kailangang i-utos ang paggamit ng face mask sa kabila ng flu season.

Sinabi ni DOH Spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo ang pahayag nang tanungin kung oras na para i-require ang face mask sa Metro Manila at mga kalapit na lugar matapos na i-mandato ng Quezon Province ang pagsusuot ng face mask kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng trangkaso sa lalawigan.

Ayon kay Domingo, ikinokonsidera ng ahensya ang matinding pagkaka-ospital at ang pagdagsa ng mga pasyenteng na-admit sa intensive care unit (ICU) ng mga ospital bilang mga salik bago magpasya sa mandatoryong paggamit ng face mask.

“Not yet. What we look at when we’re thinking of a mandate is the increase of severe hospitalization. We also see if the ICUs are congested, and we haven’t seen anything like that,” saad ni Domingo.

Nagbabala rin siya na maaaring pagsamantalahan ng ilang negosyante ang sitwasyon para taasan ang presyo ng face mask sa gitna ng tumataas na demand.

Samantala, sinabi ng opisyal ng DOH na ang bansa ay nakararanas ng flu season ngunit idiniin na walang outbreak ng sakit.

Nauna nang iniulat ng health department na nakapagtala ito ng kabuuang 6,457 kaso ng influenza-like illnesses (ILI) sa buong bansa mula Setyembre 28, 2025 hanggang Oktubre 11, 2025.

Mas mababa ito ng 39% kumpara sa 10,740 kaso na naitala mula Setyembre 14 hanggang Setyembre 27, 2025.

“What we’re saying here is that there is no reason to say that there is an outbreak because the data show that. But we don’t want to be complicit because we know this is flu season and cases may rise if we won’t take care of ourselves,” dagdag niya.

Nang tanungin kung handa na ba ang DOH sa pagdami ng mga kaso ng ILI, sumagot siya ng oo.

Aniya, kasama ito sa kanilang surge capacity, kung saan naglalaan ang mga ospital ng DOH ng karagdagang 10% ng bed capacity para ma-accommodate ang mga pasyente.

Ipinaalala rin ni Domingo na habang wala pa ring ipinag-uutos ang ahensya sa paggamit ng face mask, kahit sino ay maaaring magsuot nito bilang pag-iingat at mandatory lamang sa loob ng mga ospital upang maprotektahan ang kanilang sarili at ang kanilang mga mahal sa buhay mula sa sakit. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here