Home NATIONWIDE DOJ gagawa ng sariling panuntunan sa preliminary investigation

DOJ gagawa ng sariling panuntunan sa preliminary investigation

MANILA, Philippines – Nakatakdang pumirma ang Department of Justice (DOJ) ng makasaysayang dokumento na pumapayag sa ahensya para gumawa ng sariling panuntunan sa preliminary investigation.

Sa news forum, sinabi ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano na itinakda ang pagpirma ng dokumento sa July 4.

Ang kasalukuyang panuntunan sa preliminary investigation ay kasama sa Rule 112 ng Rules of Court, na binuo ng Korte Suprema.

“We will be signing a very historical document. Under the rules of court, Rule 112 pertains to preliminary investigation. That is under the Supreme Court Rules of Court,” ani Clavano.

Ipinaliwanag ni Clavano na walang kinalaman ang mga judge sa Rule 112.

Tinutukoy sa preliminary investigation kung mayroon bang sapat na batayan para sampahan ang tao ng isang kaso sa krimen.

“Mapupunta na po sa DOJ under its own rules for preliminary investigation,” ani Clavano.

“So, malaking bagay po iyon dahil mawawala na po iyong rule na iyon sa Supreme Court. From one branch of government, mapupunta na po sa executive branch.” RNT/JGC