Home NATIONWIDE DOJ makikipag-ugnayan money services business, social media platforms vs child exploitation

DOJ makikipag-ugnayan money services business, social media platforms vs child exploitation

MANILA, Philippines – Makikipagpulong ang Department of Justice (DOJ) sa mga kumpanya ng money transfer at kinatawan ng mga social media platform upang masolusyunan ang problema ng illegal child exploitation.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinag-aaralan ng kagawaran ang pagkakaroon ng malakas na pakikupagtulungan sa mga money services business at social media platforms dahil ang bawat isa ay may mahalagang papel para masolusyunan ang exploitasyon ng mga bata.

“Each of which will play a critical role in detecting and preventing the flow of funds toward illegal child exploitation content and access to harmful sites,” nakasaad sa statement ng DOJ.

Binanggit ng kalihim ng kahalagahan ng
“whole-of-nation” approach para labanan ang human trafficking. Kinakailangan aniya ang partisipasyon ng mga non-governmental organization, international partners, telecommunications companies para matigil na ang online sexual abuse and exploitation of children (Osaec).

Kamakailan ay hinatulan na makulong ng 25 taon ang isang French National na nasa likod ng pag- livestream ng pangagahasa sa ilang daang batang babae sa Pilipinas.

Ang akusadong si Bouhalem Bouchiba ay napatunayan ng korte na guilty sa online sexual abuse.

Sa rekord ng kaso, nagbayad ang akusado ng dalawang babae na gumahasa ng mga babaeng nasa edad 5 hanggang 10 at ipinalalabas ito sa mga online platforms.

Naalerto ang mga otoridad ng ipagbigay alam sa kanila ng law enforcement agency ng
European Union ang kaduda duda na
money transfers papuntang Pilipinas.

“This case sends a powerful message that child exploitation, whether online or offline, will not be tolerated. The government will continue to work diligently with international partners to ensure that offenders are brought to justice and that our children are safeguarded from such crimes,” ani Remulla. TERESA TAVARES