Home NATIONWIDE DOJ muling nagsagawa ng preliminary investiation sa kaso ng missing sabungeros

DOJ muling nagsagawa ng preliminary investiation sa kaso ng missing sabungeros

287
0

MANILA, Philippines – Muling nagsagawa ng preliminary investigation sa pangalawang pagkakataon ang Department of Justice (DOJ) kaugnay pa rin sa missing sabungeros.

Ngayong araw, Setyembre 29, sinimulan ang pagdinig alas-10:30 ng umaga.

Dinaluhan ito ng mga abogado ng mga kaanak ng mga sabungero pati ang legal counsels ng mga respondents.

Dumalo rin at humarap sa panel of prosecutors ng DOJ ang mga tauhan ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group na nagsumite ng mga karagdagang ebidensya.

Kahit masama ang panahon at naapektuhan na ang kanilang trabaho, hindi natitinag ang mga kaanak ng mga sabungero sa pagdalo sa imbestigasyon hanggang sa makamit ang hustisya.

Hangad ng mga kaanak ng mga sabungero na mapanagot ang mga nasa likod ng krimen kung saan naniniwala pa rin sila sa proseso ng batas.

Sinabi naman ni Maria Teresa na asawa ni Nerio Anti Kristo, na una silang inalok ng higit isang milyong piso para hindi na ituloy pa ang kaso.

Pero hustisya ang hangad nila at makulong ang mastermind at mga kasabwat sa pagkawala ng mahal nila sa buhay kahit pa aminado silang unti-unting nahihirapan na sa kaso.

Samantala, hindi naman dumalo ang aktres na si Gretchen Barreto dahil nagsumite at pinanumpaan na niya doon sa unang hearing ang kanyang counter affidavits.

No show din ang inaakusahang mastermind na si Charlie “Atong” Ang dahil inihahanda pa lang aniya nito ang USB na naglalaman ng mga ebidensya na isusumite niya sa panel of prosecutors. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here