Home NATIONWIDE DOJ, naglabas ng subpoena sa Senado at COA sa imbestigasyon sa gulo...

DOJ, naglabas ng subpoena sa Senado at COA sa imbestigasyon sa gulo sa Senado

67
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na naglabas ito ng subpoena sa Office of the Senate Secretary upang hilingin ang mga dokumentong kaugnay ng imbestigasyon sa kaguluhang naganap nang tangkaing arestuhin si Senator Bato Dela Rosa sa loob ng Senado.

Hinihiling din ng DOJ sa Senado ang summary ng imbentaryo ng mga armas at ang mga security log na nagtatala ng mga pumasok at lumabas sa gusali ng Senado sa panahon ng insidente. Naglabas din ng subpoena ang DOJ sa Commission on Audit (COA) upang makuha ang mga dokumentong tutukoy sa bilang ng mga armas at kung sino-sino ang may hawak ng mga ito nang mangyari ang kaguluhan.

Kasabay nito, pinadalhan din ng subpoena ng DOJ ang Philippine National Police – Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) upang makuha ang mga rekord na magtatatag ng kabuuang bilang ng mga armas na rehistrado sa Senado. Sa gitna ng imbestigasyon, muling ipinaalala ni Sec. Vida na maaaring maharap sa parusa sa ilalim ng Presidential Decree No. 1829 o Obstruction of Justice ang sinumang lalabag, kabilang na ang mga opisyal na nasa pwesto na maaari umanong managot at matanggal sa tungkulin.

Samantala, magpapadala rin ang DOJ ng “open letter” kay Atty. Jimmy Bondoc upang hingin ang anumang impormasyon na maaari niyang malaman kaugnay sa kinaroroonan ng kanyang kliyente na si Senator Bato Dela Rosa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here