Home NATIONWIDE DOJ, PAGCOR lumagda ng kasunduan vs gov’t employee na masasangkot sa pagsusugal

DOJ, PAGCOR lumagda ng kasunduan vs gov’t employee na masasangkot sa pagsusugal

109
0

MANILA, Philippines – Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Justice (DOJ) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang tiyakin na ang mga tauhan ng DOJ at attached agencies nito ay hindi masasangkot sa pagsusugal.

Pinangunahan nina PAGCOR Chairman Alejandro Tengco at Justice Secretary Atty. Frederick Vida ang MOA signing na ginanap sa Justice Hall ng DOJ.

Ayon sa kasunduan, ibibigay ng DOJ ang listahan ng kanilang mga empleyado upang maisama sa National Database of Restricted Persons ng PAGCOR.

Layunin nito na pagbawalan ang mga tauhan ng DOJ at mga kaugnay na ahensiya na makapasok sa mga casino sa buong bansa.

Binigyang-diin ni Sec. Vida na mapaparusahan ang sinumang opisyal o empleyado na mapapatunayang pumunta sa casino, alinsunod sa Presidential Decree No. 1869 (PAGCOR Charter) at Memorandum Circular No. 6, series 2016.

Nilinaw rin niya na ang hakbang na ito ay para mapanatili ang integridad ng DOJ at masigurong mananatili ang tiwala ng publiko sa kanilang tanggapan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here