Home HOME BANNER STORY DOJ tahimik sa kabila ng nangyaring kaguluhan sa Senado

DOJ tahimik sa kabila ng nangyaring kaguluhan sa Senado

55
0

MANILA, Philippines – Nanatiling tikom ang bibig at walang inilalabas na anumang impormasyon o komento ang pamunuan ng Department of Justice (DOJ) sa kabila ng kaganapan sa Senado.

Bagamat paulit-ulit na tinatanong ng mga mamamahayag ang DOJ hinggil sa isyu nang nangyaring shooting incident kaugnay sa pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, walang tugon ang tagapagsalita ng justice department hinggil dito.

Sinabi lamang ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez na sasagutin nila ang mga nakabinbing tanong sa tamang panahon.

Sa ngayon, ang pinakahuling pahayag ng DOJ ay patungkol sa pagkakaroon ng dalawang paraan para harapin ang ICC warrant of arrest ng senador.

Ani Martinez, ang pagsuko ng isang indibidwal sa international court o tribunal o ang extradition na nakapaloob aniya sa RA 9851. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here