Home ENTERTAINMENT Doktora, may balita kay Kris, pinasalamatan ng followers!

Doktora, may balita kay Kris, pinasalamatan ng followers!

294
0

Manila, Philippines – Many thanks to Dr. Ging Zamora—kung hindi kasi dahil sa kanya, hindi pa malalaman ng mga social media followers ang bumubuting kalagayan ni Kris Aquino.

Nag-post kasi ang doktora ng kanyang pagdalaw kay Kris.

Sa dalawang larawang kanyang ibinahagi, all smiles si Kris sa isang engaging huddle.

Nasa harapan ni Kris, kasama ang kanyang anak na si Bimb Aquino, ang fruit tray na naglalaman ng oranges, kiwi, at grapes.

Aptly captioned ni Dr. Zamora ang larawan: “Give love, love, love on Christmas’ Day!”

Ipinadaan ng mga bumati ng Merry Christmas kay Kris kay Dr. Zamora ang kanilang holiday greetings, na may kasamang mga paborableng komento.

Ilan sa mga ito: “Nice to see Kris gaining weight now!”, “So good to see her healthy!”, “Maganda ang katawan ni Miss Kris!”—among others.

Still, marami pa rin ang nagdarasal para sa kumpletong paggaling ni Kris.

Samantala, dumalo sina Kris’ sons Josh at Bimb sa Christmas party na in-host ng Cojuangco side.

Nagkaroon sila ng pagkakataon na maki-bonding sa kanilang mga kamag-anak, kabilang ang kanilang mga aunts (mga kapatid ni Kris) at kani-kanilang pamilya.

Present din si Mikee Cojuangco, kasama ang kanyang mga anak at mga kapatid, na makikita sa video na masayang nakikipaglaro kay Josh at Bimb.

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here