Home NATIONWIDE DOLE, maglalaan ng P386.6-M ayuda sa C. Luzon workers na hagip ng...

DOLE, maglalaan ng P386.6-M ayuda sa C. Luzon workers na hagip ng Habagat

1
0

MANILA, Philippines — Magkakaloob ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P386.6 milyong emergency employment at livelihood assistance para sa 49,879 manggagawa sa Central Luzon na naapektuhan ng matagal na pagbaha dulot ng pinalakas na Habagat.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, ipatutupad ang tulong sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) at DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) upang mabigyan ng pansamantalang pagkakakitaan at makatulong sa muling pagtatayo ng kabuhayan ng mga apektadong manggagawa.

Batay sa DOLE Regional Office III, P357.85 milyon ang inilaan sa TUPAD para sa 48,667 benepisyaryo sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.

Sa ilalim ng programa, bibigyan ng pansamantalang trabaho ang mga benepisyaryo, kabilang ang pagsasagawa ng community-based clean-up activities sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.

Bukod dito, 1,212 manggagawa ang makikinabang sa P28.79 milyong livelihood assistance sa ilalim ng DILP o DOLE Kabuhayan Program.

Kabilang sa maaaring pondohan ang farming equipment, sari-sari store at bigasan, food vending, pangingisda, livestock raising, processing at repair services at iba pang maliliit na negosyo.

Humihingi rin ang DOLE Regional Office III ng karagdagang P22.487 milyon para mapalawak ang TUPAD sa Bulacan at mabigyan ng 10 hanggang 15 araw na emergency employment ang 3,500 manggagawa mula sa Calumpit, Guiguinto, Hagonoy, Paombong, Bulakan, Angat at Sta. Maria.

Kabilang sa kanilang gagawin ang community projects, clean-up drives at rehabilitation activities sa mga lugar na sinalanta ng baha.

Sinabi ni Tolentino na layunin ng mga programa na mabigyan ng agarang income support ang mga manggagawa habang tinutulungan silang makabangon at magkaroon muli ng mas matatag na pagkakakitaan matapos ang kalamidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here