Home NATIONWIDE DOLE sa employers: Mga manggagawa bigyan ng konsiderasyon sa malakas na ulan,...

DOLE sa employers: Mga manggagawa bigyan ng konsiderasyon sa malakas na ulan, baha

302
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng konsiderasyon sa mga manggagawa sa kanilang dedikasyon sa trabaho sa kabila ng epekto ng malalakas na ulan dulot ng Habagat.

Ipinaalala rin ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa lahat ng pribadong sektor ang Labor Advisory No. 17 series of 22 na kanyang pinirmahan.

Sa ilalim ng advisory, hindi maaaring gamiting basehan ng anumang disciplinary action ng employer ang hindi pagpasok ng isang manggagawa kung may sapat at valid na dahilan—gaya ng matinding ulan, baha, o panganib sa biyahe.

Giit ng kalihim, dapat unahin ang kaligtasan ng manggagawa.

Sa mga empleyadong pumasok sa kabila ng hirap at abala, hinihikayat ang mga kompanya na bigyan sila ng kaukulang konsiderasyon bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at malasakit sa trabaho.

Panawagan nito sa lahat na magtulungan sa panahon ng sakuna para sa ligtas, makatao, at makatarungang paggawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here