Manila, Philippines- Sa halip na maunawaan kung saan siya nanggagaling, minasama pa ng isang netizen ang pag-amin ni Donnalyn Bartolome na isa siyang anpon.
May stepdad pero may tunay ring ina na kasama si Donnalyn sa buhay.
Dahil dito’y tinawag na basurang content creator si Donnalyn dahil sa paawa effect niya.
Wala raw katuturan ang kanyang mga vlogs.
Ikinumpara pa siya kina Rosmar Tan at Rendon Labador na wala ring wawa ang mga content.
To the rescue naman ang nobyo ni Donnalyn na si JM de Guzman but he’d rather let his girlfriend explain her side.
Humingi ng paumanhin ang dalaga if some people got her wrong.
On the contrary daw, hindi siya nagpapaawa para tangkilikin ang kanyang mga vlogs.
Ang nais lang daw niyang ipaalam ay kung gaano siya ka-grateful sa pagkakaroon ng amain.
Aniya, having found a loving stepdad ay hindi na raw niya kailangang hanapin ang kanyang tunay na ama.
In a sense nga naman ay para na rin daw siyang inampon nito yet she’s showered with so much affection for which abut-abot ang kanyang pasasalamat.
At nang tawaging basura ang kanyang mga vlog content, kinantahan na lang ni Donnalyn ang kanyang basher. Ronnie Carrasco III