Manila, Philippines – Mismong si Vice Ganda ang nag-anunsyo sa It’s Showtime na napanood daw ni Donny Pangilinan ang isang edition ng Laro, Laro, Pick.
Mga kariton vendors ang contestants ng araw na ‘yon.
Donny–who was at the taping–called Vice Ganda to say: “Durog ang puso ko. Is there a way you’ll see them again?”
Sagot ni Vice Ganda, maaari naman daw ipinatawag uli ang mga ito.
At ‘yun na nga, masayang ibinalita ng Unkaboggable Star na nagbigay ng P300k si Donny sa mga kariton vendor o P15k each.
Hindi na bago ang acts of kindness o charity ni Donny.
Few months ago, nag-donate siya ng P1 million sa alma mater niya na isang pre-school–the same institution where his cousins on the Pangilinan side went to.
Nito rin lang na nagkaroon ng matindi’t mapaminsalang bagyo, Donny was around to distribute relief goods.