Home NATIONWIDE DOST nanawagan ng unified, science-led flood control program

DOST nanawagan ng unified, science-led flood control program

289
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Science and Technology (DOST) sa mga ahensya ng gobyerno na i-anchor ang mga programa sa pagkontrol sa baha sa agham at datos sa kabila ng lumalalang krisis ng bansa sa pagbaha.

Noong Sabado, Agosto 30, iniulat ng mga lokal na awtoridad ang 121 milimetro ng ulan sa loob lamang ng isang oras, na nagpabaha sa hindi bababa sa 36 na mga barangay sa Quezon City.

“DOST can provide the science and technology to make sure that these things are mapped well and the data are used in planning,” saad ni DOST Secretary Renato U. Solidum Jr.

Ang pagbaha, ayon sa kanya, ay hindi malulutas sa one-size-fits-all approach, dahil ang bawat ilog o sub-river basin ay may iba’t ibang panganib.

Ipinaliwanag ng DOST chief na ang ahensya ay maaaring magbigay ng digital elevation models at forecasting tools upang matulungan ang mga planner na masuri kung ang mga ilog at drainage system ay makakaya ang mas malakas na pag-ulan dulot ng pagbabago ng klima at mabilis na urbanisasyon.

Nagbabala si Solidum na ang hindi maayos na planong mga construction project ay kadalasang nagpapalala sa pagbaha sa mga kalapit na lugar.

“You build a road; you elevate a subdivision by 10 meters — that’s basically a dam if there’s no proper drainage. The water has nowhere to go,” ani Solidum.

Ito ang dahilan kung bakit, idinagdag niya, ang mga proyekto sa pagkontrol sa baha ay dapat naka base sa isang mapa ng Geographic Information System (GIS) upang bigyan ang mga lokal na pamahalaan at mga developer ng mas malinaw na larawan kung paano makakaapekto ang mga bagong imprastraktura sa mga nakapaligid na komunidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here