Home NATIONWIDE DOTr chief sa mga motorista: Makiisa sa implementasyon ng NCAP

DOTr chief sa mga motorista: Makiisa sa implementasyon ng NCAP

210
0

MANILA, Philippines- Umapela si Transportation Secretary Vince Dizon sa motorista na makipagtulungan sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy sa pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Sinabi ni Dizon na maganda ang naging unang linggo dahil marami ang mga sumusunod pero marami pa rin aniya ang nandaraya.

Nanawagan si Dizon sa publiko na sumunod at makipagtulungan habang ipinapapatuloy ng gobyerno ang pagpapabuti sa pagpapatupad ng polisiya.

Nauna rito, binalaan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista na ang pagtatakip ng kanilang mga plaka upang maiwasang matukoy sa ilalim ng NCAP ay magmumulta.

Samantala, nakatakdang magprotesta ngayong Lunes ang grupo ng motorsiklo na Kapatirang sa Dalawang Gulong o Kagulong laban sa NCAP at sinabi na ang implementasyon nito ay kailangan pa ng masusing pag-aaral.

Dagdag pa, dapat ayusin muna ng gobyerno ang road signs at lane markings na sinabi nitong nakadagdag sa kalituhan sa kalsada bago sabihin sa publiko na sumunod. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here