Home NATIONWIDE DOTR sa pagbawi ng prangkisa ng unconsolidated PUV: It’s a consequence of...

DOTR sa pagbawi ng prangkisa ng unconsolidated PUV: It’s a consequence of their decision

MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes, Agosto 20 ang hakbang na bawiin ang prangkisa ng mga public utility vehicle (PUV) na hindi nag-consolidate sa isang kooperatiba sa pagsasabing desisyon naman ng mga operator at drayber na hindi sumunod sa kautusan.

Sa kabila nito, sinabi ni DOTr Undersecretary Andy Ortega na bukas pa rin ang kanyang opisina sa sinumang grupo o indibidwal na hihiling ng pag-uusap kaugnay sa PUV Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

“Sa bagay na gusto ata nilang magpa-register, just to clarify, ang consolidation na hindi tinanggap ng dalawang grupo—, among hundreds, dalawang grupo na lang ang ayaw mag-consolidate, which nag-expire na—, ang resulta ng hindi pagko-consolidate ay talagang hindi ka na pwedeng mag-register kasi kusa kang nag-desisyon na hindi mag-consolidate,” sinabi ni Ortega sa isang panayam.

“Hindi ko po nakikita ang bagay na ‘yun dahil desisyon na nila na hindi mag-consolidate,” dagdag pa.

Nitong Lunes ay sinupalpal ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagsasabing wala itong kapangyarihan na magbawi ng individual franchises ng unconsolidated PUVs.

Ang tinutukoy niya ay ang probisyon ng public transport modernization program ng pamahalaan na nag-oobliga sa mga drayber at operator na lumahok sa isang korporasyon o kooperatiba para mabigyan ng prangkisa na mamasada.

Para kay Ortega, hindi naman tumatanggi ang mga awtoridad na magbigay ng prangkisa sa unconsolidated PUV drivers at operators.

“Unang una, hindi natin pinagkait ‘yan. ‘Yan ay consequence ng desisyon nila na hindi mag-consolidate. I think very clear naman po ‘yung programa, ‘yung gobyerno sa bagay na ‘yan. And I guess we just have to respect their decision and they should also accept the consequence of such a decision,” aniya.

Ang LTFRB ay ahensya sa ilalim ng DOTR. RNT/JGC