Home METRO DOTr-SAICT nagsagawa ng checkpoint sa Tondo, Manila

DOTr-SAICT nagsagawa ng checkpoint sa Tondo, Manila

260
0

MANILA, Philippines – Nasampolan ang ilang mga pampasaherong jeep at motorsiklo ng mga tauhan ng Department of Transportation – Special Action and Inteligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) sa ikinasa nilang operasyon sa kahabaan ng N. Zamora Street sa Tondo, Maynila.

Bukod sa violation ticket, kinumpiska rin ang plaka ng mga pampasaherong jeep na nakitaan ng mga paglabag.

Ilan dito ay ang malabo at hindi na mabasang plaka, hindi gumagana ang mga ilaw partikular ang signal lights at pudpod ang mga gulong.

Bukod dito, may ilang motorcycle driver rin ang nasita at tinikitan dahil sa hindi tama ang suot na helmet at kasuotan kung saan may isa pa ang tinangkang tumakbo dahil sa walang lisensya pero naabutan ng mga tauhan ng DOTr-SAICT

Ayon kay Rayson Dela Torre, head ng Operations Group ng DOTr SAICT, isinagawa nila ang oeprasyon para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero at masiguro ang road worthiness ng mga jeep.

Ang mga pampasaherong jeep na nasita ay dadalhin sa tanggapan ng Land Transportation Office pars isailalim sa pagsusuri. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here