MANILA, Philippines – Kinwestyon ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada nitong Lunes, Agosto 4, ang kakulangan ng accountability sa hanay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) anim na buwan matapos ang pagbagsak ng P1.2 bilyong Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela.
Sa kanyang privileged speech, iginiit ni Estrada na bukod sa truck driver, design consultant, at bridge contractor, dapat ding panagutin ang public officials na nangasiwa sa proyekto.







