MANILA, Philippines – Nangako si Public Works and Highways secretary Vince Dizon na uunahin ang rehabilitasyon ng nasirang Manila Central Post Office sa pinakamabilis na panahon.
Ginawa ni Dizon ang pahayag nang inspeksyunin nito kasama si Philippine Postal Corporaion Acting Postmaster Genera Maxino Sta. Mesa III para sa retrofitting at rehabilitasyon ng iconic structure.
Ang gusali ng PHLPost ay nasunog noong May 21, 2023 kung saan tinatayang aabot sa P300 milyong mga assets kasama ang mga national ID cards ang natupok ng apoy.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa general alarm ang sunog at idineklarang under control makalipas ang walong oras nang magsimula ang sunod pasado aa 11 ng gabi sa basement ng gusali.
Tuluyang naapula ang sunog na halos umabot ng dalawang araw noong May 23.
Ayon kay Dizon, uunahin ang phase 1 ng restoration ng gusali alinsunod na rin sa kautusan ng Pangulo.
Ayon pa kay Dizon, makikipag-ugnayan ang DPWH sa General at sa National Historical Institte upang masiguro na ang restoraton, rehabilitation at repair ay maisasagawa ng mabilis at tama. Jocelyn Tabangcura-Domenden